Biyernes, Enero 30, 2015

Kilala mo ba si Crisostomo Ibarra? Alam mo bang sumasalamin siya ng isang totoong tao ? Kilala mo ba ? Ang sagot ay si Dr.Jose Rizal! Hindi lang siya ang sumasalamin na karakter  sa mga tunay na tao kundi lahat ng tauhan sumasalamin sa mga  taong nakapalibot kay Rizal nang panahon na iyon?
Ang pagsusuri ng tauhan sa Noli me tangere ay ang leksyon na pinag-aralan namin buong linggo. Ngayon,Sa paggawa ng kwento syempre importante ang tauhan.Pero ngayon hindi pinag-iisipan kung ang tauhan ay nakikita ba sa realidad pero ginagamit dito yung emosyon. Noon, kung ano ang nasa paligid mo,kung anung ugali ang nakakasugapa mo araw-araw, ayun ang ilalagay sa tauhan ibig sabihin noon ay nakakaapekto sa paggawa ng tauhan ng kwento ang lipunan.Maituturing mo talaga na magaling na manunulat si Rizal,kahit nobela ito syempre ang nobela aminin mo man o hindi,nakakabagot basahin. Pero sa kanyang nobela may kakaiba, maganda yung "TWIST"! at hindi niya hinahayaan yung mga karakter sa storya binibigyan talaga niya ito ng hustisya.

Biyernes, Enero 23, 2015

Ngayong linggo na ito ang umpisa na tatalakayin namin ang Noli Me Tangere ngunit kaylangan namin pag-aralan ang kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere (Touch me not). Marami palang nakaambag na dahilang kung bakit sinulat ni Dr.Jose Rizsal ang Noli Me Tangere. Hindi lang dahil sa pangyayari na diskriminisasyon na nangyayari sa bansa nung panahon na iyon kundi ang mismong nangyayari sa Espanya ang nagbigay rin sa kanya ng dahilan kung bakit niya ito isinulat.
Pagkatapos,nagkaroon kami ng pangkatang gawain. Ang nakaatas sa amin ay ang pagbibigay kahulugan ng tulang ginawa ni Rizal nang siya ay nasa edad na 8 gulang ang"Sa Aking mga Kababata".Ito ay patungkol sa pagmamahal sa wika upang makamit ang kalayaan na totoo naman dahil ang wika ang nagbubuklod sa atin. Pero sa aking pagsasaliksik,may mga nagsasabi na paano sinulat ni Dr.Jose Rizal ang tula na iyan kung siya ay nasa walong taong gulang? at may tama na daw siyang kaisipan tungkol sa Racial ayon sa kanila. Pero kung ako ang tatanungin walang imposible sa taong gugustuhin.
At ang huling ginawa namin ngayong linggo ay ang paghihimay ng buod ng Noli me Tangere. Nagkaroon kami ng debeta. Ang init ng debating nangyari!lumalaban ang kabilang grupo na dapat hindi ginamit ni Rizal ang panulat upang ipaglaban ang ating inang bayan pero para sa akin tama lang naman na ginamit niya ang panulat,dahil ang dahas ay hindi makakaliwanag sa isang problema kaysa sa pagsulat lahat pwede mong gawin na walang masasaktan o mamamatay.

-Hrs

Sabado, Enero 17, 2015

UNANG LINGGO NG IKAAPAT NA MARKA:

Credit:Google

Itong unang linggo ng ikaapat na marka ang masasabi ko na pinaka masaya pero pinakamapapasubok. Dahil pasado ako sa aming pagsusulit at ngayon lang ako nakakuha ng pinakamataas na iskor sa Filipino kaya nagpapasalamat ako sa Panginoon.
Hindi pa kami nag-uumpisa nang aming talakayan ngunit may sinabi na agad si G.Mixto na magiging produkto namin para sa ikaapat na markahan at ito ang Noli Me Tangere (Touch me not ).Ayon kay G.Mixto gagawa kami ng Movie Trailer at Shortfilm.Hindi ko sasabihing madali ito o mahirap dahil kasama ko ang aking kagrupo/pamilya pangkat 4 (Etniko). Sa ngayon binabalak kong matapos ito agad hanggat makakaya namin at gagandahan namin ito siguro medyo ako maghihigpit
-Harvey