Biyernes, Enero 23, 2015

Ngayong linggo na ito ang umpisa na tatalakayin namin ang Noli Me Tangere ngunit kaylangan namin pag-aralan ang kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere (Touch me not). Marami palang nakaambag na dahilang kung bakit sinulat ni Dr.Jose Rizsal ang Noli Me Tangere. Hindi lang dahil sa pangyayari na diskriminisasyon na nangyayari sa bansa nung panahon na iyon kundi ang mismong nangyayari sa Espanya ang nagbigay rin sa kanya ng dahilan kung bakit niya ito isinulat.
Pagkatapos,nagkaroon kami ng pangkatang gawain. Ang nakaatas sa amin ay ang pagbibigay kahulugan ng tulang ginawa ni Rizal nang siya ay nasa edad na 8 gulang ang"Sa Aking mga Kababata".Ito ay patungkol sa pagmamahal sa wika upang makamit ang kalayaan na totoo naman dahil ang wika ang nagbubuklod sa atin. Pero sa aking pagsasaliksik,may mga nagsasabi na paano sinulat ni Dr.Jose Rizal ang tula na iyan kung siya ay nasa walong taong gulang? at may tama na daw siyang kaisipan tungkol sa Racial ayon sa kanila. Pero kung ako ang tatanungin walang imposible sa taong gugustuhin.
At ang huling ginawa namin ngayong linggo ay ang paghihimay ng buod ng Noli me Tangere. Nagkaroon kami ng debeta. Ang init ng debating nangyari!lumalaban ang kabilang grupo na dapat hindi ginamit ni Rizal ang panulat upang ipaglaban ang ating inang bayan pero para sa akin tama lang naman na ginamit niya ang panulat,dahil ang dahas ay hindi makakaliwanag sa isang problema kaysa sa pagsulat lahat pwede mong gawin na walang masasaktan o mamamatay.

-Hrs

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento