Credit:Google |
Kababaihan?
Kilala natin na si Maria Clara ay ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra sa akda. Siya rin ang madalasang ginagamitang basehan sa isang dalagang Pilipina. Pero kung susuriin mo sa akda ,wala siyang boses ,sumusunod lamang siya kay kapitan Tiyago at Padre Damaso at higit sa lahat,hindi niya napaglaban ang kanyang kagustuhan lalo na ang tungkol kay Ibarra. Pero bakit nga ba niya sinisimbolo ang dalagang pilipina?
Hindi base ang pagiging dalagang pilipina sa nangyari kay Maria Clara sa huli kundi ang mga katangian at kultura na pinapakita niya. Katulad ng pagiging konserbatibo na kung titignan mo ngayon sa ating henerasyon,tiyak madidismaya ka dahil mukha nang panloob ang kanilang damit. Pagiging mahinhin na dapat mayroon sa isang babae. Ngunit ngayon tignan mo sila,mas agresibo pa sila sa lalaki. Pagiging masunurin sa magulang pero hindi yung sobra na nangyari kay Maria Clara sa istorya kahit alam niyang mali ito.
Masasabi rin natin na si Maria Clara ay sinisimbolo rin ang mga kababaihan ng ngayong henerasyon sa aspetong pag-ibig. Sa sobrang mahal niya kay Ibarra, na nalaman niya ito’y namatay, nagpakamatay rin siya .Ang masama pa doon, sa kumbento pa! Mongha pa siya! Mahahalintulad natin na ngayon na dahil sa pag-ibig,may mga taong nararamdaman nila na mag-isa sila o wala nang mangyayari sa kanila.#Walang_Poreber!
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento