Lunes, Marso 23, 2015

Credit:https://www.facebook.com/marvie.bonmixto?fref=ts
Guro kong Da Best!Parang Bagets!
Matanda man sa inyong paningi,Huwag niyong iismolin!Siya lang naman ang Chairman ng Filipino sa Mbnhs ! Huwag kang magpapahuli rin sa pagtaglish at baka inosebleed kaniya sa pagtatagalog! At higitsa lahat! Panatiko siya ng mga nobela na nagmula sa Korea at mga anime na nagmula sa bansang Hapon!
Siya ay si Ginang Marvie  Bon-Mixto. Grade 8 nang siya ay aking nakilala sa Umalohokan (Filipino Journalism). Dahil bago palang ako noon,laking takot ko sa gurong ito. Tila pagnapapadaa na ko sa harap niya yuyuko ako at tatahimik. Lalo na kapag wala kang nagawang article nung oras na iyon, naku! tsk tsk .Nag sipag ako dati sa paggawa noon.
Ngayong Baitang 9,naging guro ko siya saFilipino at sobra ang aking  takot noon. Pero sa likod ng kanyang kasungitan, masipag siya, at nakikiuso rin sa mga bagay-bagay katuladng K-pop (-_-) at anime! Astig!
Pagdating naman sa pagtuturo, Da Best! Malalim siyang mag-isip magugulat kanangalang pagsiya ang nag salita dahil alam mong ito ay malaman, hindi yung basta-basta pinag-isipan. Kaya niyang ipasok ang mga isyu ngayon sa leksyon na kanyang itinuturo. Pero sobrang nabilib ako sa kanya sa Pabula ng Banga. Nasa isip ko na iyon pero natatawa lang ako ngunit nang siya na ang nagsalita, Nakakagulat akala ko simpleng istorya lang ito na pangbata lang pero para pala ito sa kabataang tulad ko. Ang ginawa niya  ay kakaiba, hinihimay niya ang bawat detalye at ipinaliliwanag niya ito ng klaro.
Pahiri pa,sa klase pag oras nang Filipino,hindi kaaantukin,dahil pagnakita kaniya humihikab naku lagot! Pero sa klase niya kase hindi katalaga aantukin dahil minsan may isinisingitsiyang mga biro at hugot lines para buhayan ang mga istudyante.
Ako’y lubos na nagpapasalamat dito sa guro na ito dahil nailabas niya ang aking kakayanang magdirek ng mga maiikling storya.Kaya sa paglisan ko ng Baitang 9, isa siya sa hindi ko makakalimutan.
J

Baguhin ang buhay at wakas ni Maria Clara:
Hindi ko man na pasa ang aking nagawang istorya at maipapakita dito,ang nagging basehan ko sa kwento iyon ay si Maria Clara ay natutong magdesisyon sa sarili niya. Suwail nasiyang anak,palasagot.At ang naging huli ko doon sana sa istorya na iyon ay kahit iniwan siya at nalaman niyang namatay si Ibarra, itutuloy niya parin ang kanyang buhay at maghihiganti sa pagkamatay niya.

Sisa: Ang Ulirang Ina at Martir!
Basilyo?! Crispin?! Nasaan na kayo?! Siguro alam niyo kung kaninong linya ito nanggaling no? Sino pa ba Edi si Sisa! Sa loob ng akda,si Sisa ay isang ina na gagawin ang laha t para sa kaniyang mga anak.Marangya dati ang kanyang buhay kaso ang kanyang napangasawa,isang sugalero. Binubugbog siya nito kapag wala siyang maibigay na pera pero dahil sa pag-ibig,hinahayaan niya lang ang nangyayari sa kanya -_-.
Sa pagiging ina, ako'y sumasaludo sa kanya! Pagod napagod ka na kakakayod o kahit hindi mo na matiisan ang pagmamalupit ng kanyang asawa,iniisip niya ang kapakanan ng mga anak niya kahit siya ay nabaliw,bukang bibig niya ang kanyang mga anak.




Credit:Google
Maria Clara: Simbolo ng
Kababaihan?

Kilala natin na si Maria Clara ay ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra sa akda. Siya rin ang madalasang ginagamitang basehan sa isang dalagang Pilipina. Pero kung susuriin mo sa akda ,wala siyang boses ,sumusunod lamang siya kay kapitan Tiyago at Padre Damaso at higit sa lahat,hindi niya napaglaban ang kanyang kagustuhan lalo na ang tungkol kay Ibarra. Pero bakit nga ba niya sinisimbolo ang dalagang pilipina?
Hindi base ang pagiging dalagang pilipina sa nangyari kay Maria Clara sa huli kundi ang mga katangian at kultura na pinapakita niya. Katulad ng pagiging konserbatibo na kung titignan mo ngayon sa ating henerasyon,tiyak madidismaya ka dahil mukha nang panloob ang kanilang damit. Pagiging mahinhin na dapat mayroon sa isang babae. Ngunit ngayon tignan mo sila,mas agresibo pa sila sa lalaki. Pagiging masunurin sa magulang pero hindi yung sobra na nangyari kay Maria Clara sa istorya kahit alam niyang mali ito.
Masasabi rin natin na si Maria Clara ay sinisimbolo rin ang mga kababaihan ng ngayong henerasyon sa aspetong pag-ibig. Sa sobrang mahal niya kay Ibarra, na nalaman        niya ito’y namatay, nagpakamatay rin siya .Ang masama pa doon, sa kumbento pa! Mongha pa siya! Mahahalintulad natin na ngayon na dahil sa pag-ibig,may mga taong nararamdaman nila na mag-isa sila o wala nang mangyayari sa  kanila.#Walang_Poreber!

Parade of characters!
Dahil ito ay isang produkto, pinaghandaan ng aking mga ka grupo (Pangkat 4 Etniko) ang mga gagawin at kung paano sila magpapakilala at maipapakita ang kanilang karakter na ginagaya. Bilang isang pinuno,ako ang  nag handa ng  kostyum at sila ang bahala sa mga linya na kanilang sasabihin. Nag ensayomuna kami .Ang swerte namin dahil may kagrupo akong isang role model (Giselle Rejano) nagpaturo kami kung paano ang pagpasok at paglabas nila para maging organisado. At bago nagumpisa ang Parade of Characters, sinabihan ko sila na “mag-adlib kayo sa inyong pag-arte,kilala niyo naman kung sino yang ipinakikilala niyo diba?” Sa huli,pinasaya nila ako at ginawa nila ang iniuutos ko,kahit hindi ako kasamang nagbigay buhay sa isang karakter,alam kong parang nasama na ako sa ginawa nilang hakbang.

Sabado, Marso 21, 2015

credit:google
Elias,Bilang isang kasintahan at kaibigan.

Kilala natin si Elias bilang Kaibigan ni Crisostomo sa loob ng akda,ngunit alam mo ba ang kanyang buhay bago siya naging isang rebelde?
Ang pamilya ni Elias ay kilala sa bayan dati ng San Diego bilang isang tulisan sa kadahilanang ang kanyang pamilya ay nadawit sa isang pagkakamali. Ang ninuno niya ay pinagbintangan na manununog kaya pinahirapan ng mga espanyol ang lolo nya at ang lola niya samantalang ang kanyang ina ay hindi muna pinahirapan dahil dinadala niya si Elias sa kanyang sisidlan. Pagkatapos ipanganak si Elias,pinahirapan na ang kanyang ina at namatay.
Mahihinuha mo dito na si Elias ay hindi pa gumagaling sa sugat ng kahapon. Masasabi natin na ang kanyang kapalaran ay hindi maganda dahil hindi niya nahipagganti ang kanyang ninuno. Pano ka makakaganti kung ang may sala ay ang ninuno ng pinaka matalik mong kaibigan? mahirap. Sa huli namatay siya na hindi nasisilayan ang salitang KALAYAAN.
Ang nakakatuwa sa kanya ay siya yung taong hindi na nagpasakop sa kanyang galit.
Sa buhay pag-ibig naman maituturing natin siya bilang isang masakripisyong tao dahil mas pinili niya ang bayan kaysa kay Solome (si Solome ang iniirog ni Elias). Sa iba mali ito pero para sa akin tama lang ito dahil mas pinili niya ang kapakanan ni Salome kaysa isama niya ito dahil alam niya kung mapaparaya niya ang bayan,mapapabuti ang lagay ni Salome.

-Hrs